“Wala namang ginawa yung anak ko. Buntis pa yung asawa niya. Andun ako. Lumaban daw, pero wala naman siyang ginawa. Mga 1 year and 2 months akong nakakulong. Ni wala akong hearing o kahit ano.”

A local of San Andres Bukid and a victim of the Drug War

“My son had done nothing wrong; even his wife was pregnant at the time. I was there. [They said] he resisted, but he actually didn’t do anything. I was imprisoned for 1 year and 2 months. I was not granted any hearing or whatsoever.”

A local of San Andres Bukid and a victim of the Drug War

It was nothing short of gruesome that night after night, the townsfolk of San Andres Bukid in Manila were roused by a frequent clamor, caused by armed men in civilian clothes who, much to the locals' dismay, were guarded by policemen in their own homes. Every household member had to be alert and on the lookout because it meant their lives were in danger, and any one of them could be next.

They could only partake in horror by peering from behind doors and windows as they witnessed atrocities such as forced entries, desperate begging, and incoherent cries for help, open fire, and then the piercing silence that followed. On one occasion, the bullet-riddled body of a man was dropped unscrupulously from a second-floor window, the police not realizing that he was still alive, barely breathing, and dying from blood loss.

“It was only a matter of time”,

figured those who were fortunate to see the light of day, so they instead padlocked their homes and made sure to troop out to the nearby Dagonoy market at nighttime, sleeping on top of tables, or inside parked jeepneys when it rained, and only going back to their shanties at the break of dawn. No one had the time to process that these were displays of a sheer disregard for human rights, for they were debilitated with fear. So they instead went on with their lives, preparing early for work and readying their children for school, as usual.

This was in 2017, only a year after Rodrigo Duterte assumed office, which signaled the Philippine National Police (PNP) to launch the two-pronged Anti-Illegal Drugs Campaign Plan called Project Double Barrel, and assist the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) in addressing the purported drug epidemic in the country.

Photo Credit: Luis Liwanag

“Tignan ang pinaka-puno ng problema ng droga. Karamihan, mga mahihirap na nasa baba ang target…Habulin dapat ang mga nagkasala. Kasuhan. Hindi pwedeng sabihin na patawad lang, kailangan may managot. Kailangan mabigyan ng danyos perwisyo, lalo na sa mga namatayan at naapektuhan ng kabuhayan.”

A local of San Andres Bukid and a victim of the Drug War

“Look into the root of the problem on drugs. Those on the poverty line are mostly being targeted…Go after those who are at fault. File cases. You can’t just apologize; someone has to be accountable. There must be reparations, especially for those who have lost their loved ones and had their livelihoods affected.”

A local of San Andres Bukid and a victim of the Drug War

While the campaign also involved the ‘Upper Barrel Approach’ directed at high-value targets (aptly called the Oplan High Value Targets or HVT), what became the notorious half of it was the ‘Lower Barrel Approach’, or what would be known as Oplan Tokhang. This method—the word being a portmanteau of toktok (knock) and hangyo (plead)—consisted mainly of a conduct of PNP-led house visits to ‘urge’ the surrender of ‘drug personalities’, the term used for street drug peddlers and users in the so-called War on Drugs. By the end of Duterte’s term, Oplan Tokhang claimed the lives of an estimated 30,000 casualties, most being small-time drug peddlers and slum-dwelling users, with a sixth of them openly killed in police operations.

Over time, San Andres Bukid became the ground zero of the unrighteous targeting of underprivileged communities, earning the reputation of a veritable “killing field”— Tokhang being proven synonymous to extrajudicial killings in the Drug War.

Photo Credit: AFP PHOTO Noel CELIS

“This is the essence of our human rights work: To make people realize that fear can be conquered. That if fear is contagious, so is courage.

Atty. Tin Antonio, representing lawyer for SAB under CenterLaw

On October 19, 2017, together with the Center for International Law (CenterLaw), thirty-nine (39) residents of San Andres Bukid petitioned to the Supreme Court a writ of amparo—protection against forced entries, illegal arrests of witnesses, and the rampant killings of unarmed, surrendering residents.

Thirty-three (33) victims from SAB were killed in twenty-five (25) incidents from July 5, 2016 to October 22, 2017 alone—their stories were compiled as part of thirty-five (35) witness accounts and included in the petition, with the residents working with CenterLaw on this suit, which is still pending up until today.

33 colorful circles with slash in each of them

Empowerment

To continuously restore the peace of mind and security among townsfolk in the area, CenterLaw created Kwentong San Andres (KSA) as a voters education initiative.

With the goal of making the Drug War a key issue in the 2022 Presidential Elections, KSA encompassed three phases: the first, consisting of Pre-Seminar Field Research, Interviews, and Consultations aimed at soliciting the views and concerns of community members; the second, consisting of a two-part Workshop Series on what kind of government leaders they are looking for, as well as reparations they desire, in the form of “Pangarap/Letters”; and the third, on Information Dissemination and Publication, including the realigning of the CenterLaw website to reflect the KSA as a medium of amplifying the stories of the community.

With this initiative, CenterLaw aims for KSA to become an ongoing movement for community members to actively participate in—gathering their voices to create a stance of solidarity for the protection of the underprivileged and the poor—so that the memories from "The Killing Field" do not remain merely fragments of a tortured past but a landmark towards restoring the peace and safety of San Andres Bukid.

PHASE 1

Preliminary Interviews

Conducted on March 4, 2022, KSA Phase 1 consisted of preliminary interviews or pre-seminar consultations, aimed at gathering the views and concerns of San Andres Bukid community members. The information collected in this phase was used to ensure that activities implemented in Phases 2 and 3 were relevant to the experiences and issues faced by the community members.

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22

A total of 22 San Andres Bukid residents answered questions related to their current understanding of the drug war and their relationship to it, their thoughts on the role of drug war accountability in the national election and the next administration, and their views on other human rights issues that need to be highlighted. Some key points emerged from this phase:

The Current Pulse of the Drug War According to the Participants

In the rare occasions that the Drug War is discussed among community members, what comes to mind were the unwarranted arrests, police misconduct, and the lack of action from the Supreme Court in serving some form of justice to the victim’s families.

Many residents believed that then-President Duterte and the police were most accountable for the drug war, as they were directly responsible for the victims' deaths.

As to accountability, some remarks came out, including: that drug pushers and distributors must be held accountable; that instead of killing drug users, they should be given better means of livelihood, and that death should not be the price to pay for those involved in drugs; that no cases were being filed against the police and even then, the cases wouldn’t be enough.

The filing of the Petition for the Writ of Amparo by CenterLaw with the Supreme Court was noted as a turning point when killings and arrests stopped.

Some noted that drugs were still widespread and questioned why higher-level criminals were not arrested, with focus primarily on ground-level criminals.

The Participants’ Knowledge and Understanding of the Drug War, and Their Relationship Thereto

Locals perceived the drug war as inducing fear towards the police and government, violating their rights, and following a directive from the president.

All respondents agreed that the drug war was ineffective and that the drug problem persisted in San Andres Bukid and beyond.

Many participants were personally affected by the drug war, as it impacted their sense of security, community life, livelihood, and home life.

The constant fear motivated residents to learn about the law and their human rights, with some finding comfort in the idea that knowledge is safety.

The Participants Thoughts on the Role of Drug War Accountability in the National Election and Next Year’s Administration

Most agreed that the topic on the Drug War should be included in the debate, as they wanted to know the candidates’ feelings and perception of the Drug War, as well as the actions they plan to take. This would also educate other viewers, putting more emphasis on giving justice to the victims, and to the investigation of those who were accountable.

Participants expressed the need for local government officials to be more aware of the situation, to prioritize human rights, and to provide livelihood training and assistance.

They also called for the voices of the masses to be heard, for cases to be filed, and for the focus to shift towards manufacturers and those in power.

Participants emphasized the importance of taking action, not just talking, and considering religious beliefs when voting.

The Participants’ Views on Other Human Rights Issues that Need to Be Highlighted

Just some of the focal points that the participants saw as important human rights issues that need to be highlighted more are:

Rights on Education
VAWC
Child Labor Rights
Women’s Rights
Rights of the Falsely Accused
Housing Rights
Child Abuse
Abuse/Theft by Police Officers
Medical Assistance
Rights by Lumads/IPs
Red-Tagging
Senior Citizens Assistance
Warrantless Arrests
PHASE 2

Two-Part Workshop Series

KSA Phase 2 transitioned from a Webinar and Workshop Series to a face-to-face Workshop in light of the eased quarantine restrictions in the Philippines and the preference of the community. The first session of Phase 2 was designed as a Storytelling Workshop, aiming to equip members of the San Andres Bukid community with the skills needed to navigate face-to-face and online spaces to discuss the drug war and other pertinent issues in view of the upcoming national elections.

PHASE 2.1

Held on March 26, 2022, the first session of Phase 2 included the following activities:

Talk on Why We Vote by Atty. Joel R. Butuyan

Atty. Joel R. Butuyan gave a pre-recorded talk entitled “A Fight for the Soul of our Nation” or “Ang Laban Para sa Kaluluwa ng ating Bayan” delivered in Filipino. He discussed six challenges the Philippines faces in the upcoming elections, namely:

  1. Battle to Restore our People’s Sense of Right and Wrong

  2. Battle to Banish the Medieval Thinking that Women are Inferior to Men

  3. Battle to Fight Dictatorship and Promote Democracy

  4. Battle to Defeat the Stranglehold of Pseudo Religions on our Government

  5. Battle Between Collaborators of China and Protectors of Philippine Interest

  6. Battle Between Truth and Fake News

Atty. Butuyan emphasized the importance of voting and choosing the right candidate in the upcoming elections, considering the stakes.

Talk on Fake News and Misinformation by Atty. Nicolene S. Arcaina

Atty. Nicolene Arcaina discussed the need to distinguish between truth and fake news, particularly in light of the upcoming elections, when misinformation is rampant. She provided examples, guidelines for differentiating truth from misinformation, and suggested actions participants could take when faced with fake news.

Candidate Checklist: Activity on What Is Important to Consider in Our Candidates

During this short activity, participants were asked to write down a word, phrase, or sentence stating the most important quality or qualification they consider when choosing a leader or evaluating candidates for the upcoming elections. Most participants listed characteristics or qualities as most important (e.g., honest, God-fearing, nationalistic, knowledgeable, etc.). A few mentioned platform agendas, such as job provision and plans to address the COVID-19 pandemic.

The facilitators synthesized these responses by noting that for the community, distinct qualities are sought in a leader. While education, past achievements, and candidates' platforms may not be as important, they should still be considered when selecting a candidate.

Writing Workshop: Sa Susunod Kong Pangulo

To conclude the session and draw from the other activities, participants were asked to write letters to their future president or "Sa susunod kong Pangulo," allowing them to share their messages with the future leaders to be elected in the upcoming elections. Volunteers also read their letters to the group. Participants effectively articulated their hopes for their future leaders in light of their experiences in San Andres Bukid.

Drawing Activities for Kids

Children who attended were provided with art materials for drawing and coloring. With their parents' permission, CenterLaw may use the drawings in the Final Report.

Sa susunod kong pangulo ..

“Leny Robredo Solid”

Sana magkaroon lahat nang trabaho!

At mawala na ang Covid

At gumanda na ang pilipinas

At [pano] bumalik na sa dating masaya ang Pilipinas

English

To my next President …

“Leny Robredo solid”

I hope that everyone will have jobs,

That COVID-19 will disappear,

That the Philippines will become more beautiful,

and somehow we return back to being a happy country.Sa susunod kong pangulo …

Ang mensahe ko sa susunod na Pangulo ay maawain sa kapwa kahit po ito ay masama wag po sana patayin agad o kitilin ang buhay tao lang din po sila para mag bago. Ikulong nalang po sila kung may kasalanan. Yung naranasan ko po noon sa anak ko ay talagang masakit pinatay siya nang walang laban at wala po ako sa tabi niya kasalukuyang nasa ibang bansa ako noon nangatulong sa iba para lang sa mga anak ko tapos ganon nalang po kinitil ang buhay sa idad ng 20 years old dahil lang sa maling akala ng mga pulis.

Mirasol

English

To my next President…

My message to the next president is to be compassionate in others, even if they did bad things, they don't deserve to be killed because they are also humans that deserve a second chance to change. Or just put them in jail if they are guilty. My experience with my child is so devastating, he was killed defenseless and I was not there beside him, I am working as a helper in other country for the sake of my children only to find out that his life was taken away at the age of 20 because of a mistaken identity by the police.

MirasolSa susunod kong Pangulo…

Sana kung sino man ang susunod na maupo bilang isang leader ng Bansa, ay meron silang salita at may gawa. Makatao at Maka-Bansa. Tulungan ang mga mahihirap na maiahon sa kahirapan at babaan ang [presyo ng] mga supplies ng pagkain at mga gagamitin pa ng tao. At maayos na plataporma sa bansa yun bang hindi makakasama at sa Karapatan pang tao. Sana mas manaig ang tama kesa mali.

Angel

English

To my next President

I hope that the next leader of our country have words and actions. Humane and care for our country. Help the poor get out of poverty and lower the cost of food and things that the people need. And a decent platforms in our country, that is not harmful and fair to our human rights. I hope that right will prevail over wrong.

AngelSa susunod kong Pangulo …

Mahal naming pangulo nawa ay magiging lalong maunlad sa panunungkulan, mawala na ang corruption sa ating bansa at mabigyang halaga ang mga karapatang pantao, nawa ay mabigyan din ng hustisya ang mga pamilyang maabuso at namatayan ng mahal sa buhay na dulot ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Nawa ay maging modelo ka sa aming lahat sa pagpapatupad sa batas.

Russel

English

To my next President…

Our dear President may it be more prosperous in your incumbency, no more corruption in our country and give importance in our human rights, I hope that justice will be served to those families that has loss their loved one caused by abusing of power. May you became a good example to all of us in implementing the law.

RusselSa Susunod kong Pangulo …

Para sa mahal naming pangulo.

Nawa mabigyan ng pansin ang mga pamilya ng biktima ng EJK o tokhang na mabigyan ng katarungan ang mga naulila.

Nawa mabigyan din ng pansin ang kahirapan at ang pagtaas ng mga bilihin ng mga produkto at langis o gas. At matigil ang corruption at nakawan.

Nawa mabigyan din ng pansin ang medical services at edukasyon para sa mga kabataan at senior.

Nawa mabigyan din ng pansin ang mga kababaihan (VAWC) na inaabuso at kabataan sa ONSEC.

Nawa mabigyan ng pansin na matigil na ang mga diktador at maisulong ang demokrasya.

At nawa matigil na ang mga kumakalat na fake news na sanhi ng di-makatwiran makataong paninira.

MARIEFEL

English

To my next President …

Our Dear President,

May you pay attention to the families of the victims of extrajudicial killings and give justice to the bereaved families.

May you pay attention to the poverty and the rising prices of commodities and oil or gasoline and also to the corruption and robbery.

May you pay attention to the medical services and education for the children’s and senior citizens.

May you pay attention to the women (Violence against Women & their children) in ONSEC.

May you pay attention to stop dictators and promote democracy.

And also may also stop the spreading of fake news caused by unreasonable spreading of lies.

MARIEFELSa susunod kong Pangulo …

Dear:

Dahil po sa ikaw ang pangulong nailoklok sana mabago ang Sistema ng bansa halimbawa sa mga Senador or anomanyan sana matangal na ang lahat ng korakot sa mga nakaupo.

At sana magampanan mo ng maayos ang mga dapat mong gawin sa bansa at ang lahat ng mga plataporma mo ay magawa mo. At sana guminhawa ang bansa at ang pamumuhay ng bawat isa sa atin.

Salamat po.

Sally

English

To my next President…

As the President put in place, I hope that the system in our country, for example, for senators or other officials in any part of the government who are corrupt be removed from their positions.

Hopefully you do your duties well, accomplish your platfors and I wish that our country and everybody's lives will be better.

Thank you.

SallySa susunod kong Pangulo…

Dear,

Dahil sa ikaw ang naloklok ng pangulo ay sana gusto ko na tuparin mo ang iyong ipinangako sa bansa at gawin mo ng wag pumatay ng mga tao sa iyong nasasakupan at bigyan ng trabaho ang mga mahihirap para di na sila gumawa ng mga labag sa bansa. Matakot ka sa dios..

Salamat po.

Franklin

English

To my next President …

Now that you are the president, I hope that you can fulfill your promises to the country, do not kill our countrymen and give jobs to those poor people so that they don't resort in committing acts that are against our country. May you have fear in God.

Thank you.

FranklinSa susunod kong Pangulo …

Ang gusto ko sa susunod na pangulo ay maging maayos na pamalakad sa gobyerno na maalis na ang Patayan, kurapsyon sa ating bansa.

Ang gusto ko sa susunod na Pangulo ay maging maayos na ang pag-aaral ng ating mga anak sana mag Face to Face na para maayos na ang pag aaral ng aking anak. Maraming salamat po. Mabuhay!

English

To my next President …

I want the next president to have a good governance, stopping the killings  and corruption in our country.

I want the next president to provide proper education for our children, I hope that we will return back to a face-to-face style of teaching, so that our children can learn well. Thank you so much. Long live!Sa susunod kong Pangulo…

Kung ikaw na nga ang susunod na lider ng bansa, sana ay makayanan mo ang problemang hinaharap ng bansang Pilipinas.

Dalangin ko sa Diyos na bigyan ka ng maayos na kalusugan para sa bagong mundo ng iyong pamumunuan. Dasal ko rin na ikaw na ang taong itinakda para maiahon sa kasalukuyang kahirapan ng bansa.

Bilang Pilipino, Karapatan kong makilala ka para sa kinabukasan ng aming bayan.

Kaya sana, sa araw na ikaw ay manunungkulan bigyan mo rin kami ng panahon para iyong makilala.

Lubos na gumagalang

Jhowel

English

To my next President …

If you really are the next leader of this country, I hope you can keep up with the current problems of the Philippines.

I pray to God that he will bless you with good health in preparation to the new world you will lead. I also pray that you are the person destined to lift the country out of its current suffering.

As a Filipino, it is my right to know you for the sake of our country's future.

And on the day of you step into your position, I hope you also give time to know us better.

Respectfully

JhowelSa susunod kong Pangulo…

Hi po, Congratulations at ikaw rin ang nanalo na aming gustong manalo, Naway Bless ka ng Dios na maging karapatdapat sa paging pangulo. Naway pangangalangaan mo ang aming bayan gaya ng pag mahal mo sa iyong sarili, Naway nag karoon ka ng continuous education and open para mas lalo kang maraming matulungan na mga taong mahihirap gaya ng sa trabaho, medical help, education legal matters, etc.

English

To my next President …

Hi, Congratulations! You are the one that we hope to win. May God bless you to be rightful in that position, May you protect our country as how you love yourself, May you have a continued learnings and an open hand for helping more poor people to get jobs, medical assistance, education in legal matters and other things.Sa susunod kong Pangulo …

Nais kung ang lahat na mga kurap na mga nakaupo sa ating dating pangulo Duterte ay makulong at ang mga hindi magbayad estate tax ay singilin upang magamit para sa mga mahirap na mamayan lalo na yong nasa mga kasulok sulukan na lugar sa mga walang mga trabaho dahil walang natapos na edukasyon, bigyan ng mga livelihood program kung yan ay masingil yang mga estate tax malaking tulong sa bawat mahihirap na Pilipino nawa ito ay mangyayari sa tulong at awa ng Diyos.

English

To my next President …

I want all the corrupt officials under former President Duterte’s administration will be jailed, and the estate taxes that have not been paid be collected, and use those collected funds in helping the poor citizens specifically those who are living in remote areas, and those people that do not afford to have an education to be give a livelihood program. Those uncollected estate taxes will be a big help to them when collected.

May this come true with the help and mercy of God.Sa susunod kong Pangulo …

Nawala Corrupsion

Lahat mag karoon trabaho

Lahat pantay pantay na Karapatan

Mababang singil sa kuryente

Bigyan ng tamang sahod mang-gagawa.

English

To my next President …

Stop the corruption,

Jobs for everyone

Equal rights for everybody

Low electricity charges

Give the right wages on every workerSa susunog kong Pangulo…

Nais kong maningil ang tax ng mga Marcos na Php203B para makinabang ang mga mahihirap na mamayan ng bansang Pilipinas.

Nais kong mabigyan ng magandang hanapbuhay, education, medical at housing ang mga mamamayan, nais ko talagang umangat ang buhay ng mga Filipino.

English

To my next President …

I want the Marcoses to pay their taxes amounting to Php203,000,000 for the benefit of the poor people of the Philippines.

May we have a good occupation, education, medication and housing plans for our countrymen, May the lives of the Filipino people prosper.Sa susunog kong Pangulo …

Nawa ay maproteksyonan nyo po ang ating bansang Pilipinas sa mga dayuhang gusting kunin ang ating mga Isla. Bigyang protekson ang mga OFW sa kanilang mga trabaho alisin ang kontrakwal sa trabaho. Itaas ang sahod ng manggagawa at bigyan ng tamang sahod ang mga manggagawa.

English

To my next President …

May you protect the Philippines to the foreigners who want to take over our islands. Protect the Overseas Filipino Workers, remove the contractualization of jobs. Raise and pay the right salaries to workersSa susunod kong Pangulo …

Ang gusto kong pangulo at aasahan kong Manalo at ang pangulong, Mahal ang Bansa at ang nasasakupan magaling sa lahat ng bagay. Hindi magnanakaw at hindi mamamatay tao. Kayang ipagtanggol ang bansa at ang mga taong walang trabaho ay mabibigyan ng trabaho para sa ikauunlad ng bansa.

Lubos na umaasa,

Anafe

English

To my next President …

What I want and looking forward to our next president is the love for our country and its constituents, and who is good at everything, Not a thief and not a murderer. Able to defend the country and give jobs to the unemployed people for the development of our country.

Highly hopeful,

AnafeSa susunod kong Pangulo …

Ako ay umaasa na maiayos ang ating bansa na mawala na ang mga kaguluhan. Sana ikaw na ang aahon sa naghihirap nating kalagayan ngayon. Magkaroon ka ng sapat na lakas at tapang na gumawa ng batas na naaayon sa nakararami, lalong-lalo na sa aming mga nahihirapan.

Nawa ang pamumuno mo ay aming maramdaman lalong-lalo na sa oras ng pangangailangan.

Umaasa,

Marieta

English

To my next President …

I am hoping that our country will be free from disorder. I hope that you are the answer to our difficult situation. May you have an enough strength and courage to make laws that suits the majority, especially us who are suffering from poverty.

May your leadership be felt especially in times of need.

Hopeful,

MarietaSa susunod kong Pangulo…

VP LENI ROBREDO,

Mapagpalang araw po sainyo Pamilya, ako si Maria, Nawa’y sa tulong ng banal na espirito ay palarin po kayo manalo sa darating na eleksyon. Mula sa pagtakbo po ninyo bilang Bise Presidente ay sinuportahan at binoto ko po kayo.

Sa totoo lang po VP Leni Robreno, pareho po ang bday naten (incoming 59 yrs)

Ang lahat ng pangarap at angat buhay, Angat Trabaho sa lahat ay mas marami pong buhay ng tao ang intong matutulungan.

Inaasahan ko po na maraming tao ang kasihan ng karunungan upang makaboto po sainyo. Yon po ang WISH ko para sa Bday natin ang Manalo ka po VP Leni Robredo.

Gumagalang,

Maria

San Andres Bkd.

P.S. Kasihan ka po ng poong may kapal

AMEN…

English

VP LENI ROBREDO,

To my next President …

A blessed day to your family, I am Maria. With the help of the Holy Spirit, may prosper you in winning the incoming elections. Since the day you ran as Vice President, I have supported and voted for you.

In fact , VP Leni Robreno, we have the same birthdate (incoming 59 years)

Our dream is to rise our status in life, to have jobs for everyone and I hope that you will help us all.

I hope that many people will be given the wisdom to vote for you. That’s my wish for our birthday for you to win VP Leni Robredo.

Respectfully,

Maria

San Andres Bkd.

P.S. May the lord be with you

AMEN…Sa susunod kong pangulo…

Ikaw po sana ang lider na mag-aahon sa kahirapan ng bansa, Nang sagayon ay maiangat ang antas ng kabuhayan naming mahihirap. Magkaroon kami ng kaginhawaan sa pamumuhay. Mag karoon po sana ng maayos na edukasyon sa ating bansa. Dahil naniniwala po ako sa kasabihang ang kabataan ay pag-asa ng ating bansa. At sana po mapanatili niyo ang Kalayaan naming mamayan sa ating bansa. At mag karoon po tayo ng malayang bansa.

English

To my next President …

I hope you are the leader who will lift the country from poverty, So that the way of living of us poor will prosper, may we have an easy way of living, may we have a proper education in our country, because I believe in the saying: The youth are our country's hope. And I hope that you will continue to the  freedom of the citizens and democracy in this country.

PHASE 2.2

On April 5, 2022, the second session of Phase 2, focusing on Justice and Accountability (originally on Voter's Education, but omitted as the community has its own sessions for this), included the following activities:

Obtaining Consent and Release Approval from San Andres Bukid Community

CenterLaw obtained permission from individual members of the San Andres Bukid Community to use and publish their output for the Phase 2 activities in the final report. A Consent and Release form was distributed to the community. CenterLaw explained each item they sought consent to publish. Individual members were allowed to specify which items (original works, provided photographs, names, images) they permitted CenterLaw to publish.

Update on Supreme Court Case

Brief updates were given on the Amparo Petition filed before the Supreme Court, in which members of San Andres Bukid are petitioners. The community was informed that CenterLaw planned to submit a manifestation before the Supreme Court to provide updates on police urging the Court to decide the case before the elections.

Short Discussion on ICC Proceedings

A brief discussion on the current ICC proceedings was conducted. Updates on the ICC investigation into the Philippine situation and pointers on the Philippines' request for deferral were provided.

Talk on Types of Justice for Human Rights Violations by Atty. Ross Tugade

Atty. Ross Tugade gave a talk in Filipino entitled “Mga Uri ng Hustisya Para sa Mga Paglabag ng Karapatang Pantao” (The Different Kinds of Justice for Violations of Human Rights) covering the following topics:

  1. Various ways to achieve Justice

  2. Reparations as a means to achieve Justice

    • Different examples of Reparations in the Philippines and in Other Countries

Processing Activity led by Atty. Nicolene Arcaina

In this short activity, facilitators asked participants to answer the following questions as a community:

  1. As a member of the community affected by the War on Drugs, what kinds of reparations do you wish to get from the government?

  2. If reparations will come in the form of damages, what evidence should the government consider to process individual cases?

  3. If a Claims Board was to be established, who should be members of the said Board?

  4. If reparations will come in the form of admitting to guilt and apologizing for killing, who should admit and ask for forgiveness?

  5. How should admitting to guilt and asking for forgiveness be done?

Final Writing Activity led by Atty. Sabrina Dayao

To round out Phase 2, a final creative writing activity was conducted. The community was encouraged to write in response to any of the following prompts:

  1. If your deceased loved one was currently here, what would you wish to say to them?

  2. What are your hopes for yourself, your family, the San Andres Bukid community, and the Philippines?

Ang pangarap ko para sa sarili na ang pamilya ko pagdating ng panahon na hindi nila maranasan ang matokhang ang kanilang mga mahal sa buhay at nawa ang San Andres Bukid ay mawala ang mga user ng drugs at magkaroon ng marangal na hanapbuhay yong mga tinatawag na runner ng drug at ang buong Pilipinas na mahuli yong mga Drug Lord at makulong at para hindi na sila pamarisan hari nawa matigil na ang paglaganap ng shabu kaya kailangan ang iboto sa pagdating na eleksyon walang bahid na kurap, marangal at ang gobyernong tapat angat buhay lahat yan ang pangarap ko sa buong Pilipinas. Ano ang pangarap mo para sa iyong sarili, pamilya, San Andres, buong Pilipinas?

Maayos, masaya, malusog na pangatawan at maayos na pamumuhay sa pamilya. Tuloy tuloy na trabaho at lagi silang ligtas sa ano mang karamdaman at karahasan. Ligtas sa ano mang sakuna sa kanilang pararaunan. 

Para sa Pilipinas nawa’y manalo si Leni upang maging maayos na ang bansa magkaisa bawat Pilipino at kamit tunay na demokrasya.Kung nandito ang mahal ko sa buhay na namatay, nais ko po sanang sabihin sa kanya na kailanman hindi siya makakalimutan namin, lalong lalo na ng mga anak niya. Sana kung nasan man siya ngaun ay masaya at payapa na po siya. 

Pangarap ko po sa sarili ko na mapalaki ko ng maayos at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak kahit naulila po sila ng ama nila. 

Pangarap ko po sa pamilya ko na magkaroon ng matiwasay, sapat na pinansyal at maayos na pamumuhay. 

Pangarap ko po sa San Andres na tuluyan ng masugpo ang “drug addiciton” at makamtan ang hustisya ng lahit ng pamilyang nabiktima ng “War on Drugs”. 

Pangarap ko po sa buong bansa na magkaroon ng tamang tao na magiging bagong pangulo ang bansa. Pangarap ko din po na makaahon na sa kahirapan ang bansang Pilipinas.Ang pangarap ko sa aking sarili bilang matanda na at konti panahon nalang ang nalalabi sa aking buhay sana magkaroon ng maayos na buhay nag aking mga apo sa pagtanda nila. Ayokong maranasan nila ang kahirapan. Sana makapagaral sila at makapagtapos para sa magandang buhay na haharapin at matulungan ang kanilang mga magulang. Sana wag din nilang maranasan ang pagkakaroon ng lider ng ating bansan na sobrang paghihirap at pumapatay. 

Sa iyo anak ko na namatay, sanay makamit mo ang hustisya at gabayan mo ang mga taong tumutulong sa atin.Kung nandito ang mahal mo sa buhay na namatay, anong gusto mong sabihin sa kanya?

Kung nandito ka sana makikita mo na malaki na ang anak mo na naiwan at makakasama mo sana siya kung buhay ka lang. Masaya sana kayo ng anak mo. Kung nasan ka man ngayon sana masaya ka. 

Ang pangarap sa aking sarili ay sana humaba ang aking buhay at makapag-aral ang aking apa at sana maging okay na ang lahat.Mga gusto kong sabihin sa kapatid ko na natokhang. 

Jack, salat sa lahat lahat. Marami ang may sabi na kaya ka raw natokhang dahil sobra kang abusado at mapasamantala. Karamihan sa kanila ang tingin nila sayo ay masama kang tao. Pero ako na kapatid mo ang nakakita at nakasaksi sa pagiging mapagmahal at maaalalahanin sa tao. Dahil hindi mo pinabayaang tuluyang mapahanap ang asawa mo at nagawa mo akong makabuyo para hindi madamay. Lahat yon ay nangyari na alam kong ikaw ang may gawa. Alam ko rin na ang dahilan mo eh ang welfare ni Santino na anak mo. Ipinakita mo sakin na kaya mong gawin lahat basta’t para sa anak mo. Isang bagay na hindi nila nakikita sayo. 

Ano ang pangarap mo sa sarili mo? sa San Andres?

Pangarap ko sa sarili ko na maiayos ang lahat ng bagay na naiwan ng aming mga magulang. At kung maibibigay sa akin ang halaga ng danyos. Ito ay ang pagpapagawa ng bahay namin. 

Pangarap ko rin sa San Andres Bukid na magkaroon ng maayos na pamumuhay. Tahimik at payapa na walang tensyon sa pwedeng maranasan ng mga residente. Pangarap ko rin na ang San Andres Bukid ay makilala sa ibang lugar bilang isang lugar na marami ang mahihirap at sobra ang populasyon pero may Tapang at Paninidigan. Yan ang pangarap.Pangarap ko sa sarili ko na magkaroon ng maayos at tahimik na pamilya.

Maging maayos ang pamamalakad ng ating pamahalaan

Magkaroon ng patas na pamumuno sa batas

Magkaroon ng tamang hustisya mayaman man o mahirap man

Sana makita at madinig ng pamahalaan o namumuno sa bansang Pilipinas ang hinaing ng mga mahihirap na magkaroon ng trabaho ang mga walang trabaho

Sana kung papalarin manalo si VP Leni. Matupad niya ang mga pangako niya sa taong bayan na walang maiiwan sa kulay rosas na pamahalaan, pag walang trabaho bibigyan o hahanapan ka ng trabaho ayon sa iyong kakayahan. Kaya ipanalo si VP Leni

Never again to Martial LawMahal kita anak. Ok lang ang mga anak mo at lagi ko silang aalagaan at susuportahan sa lahat ng kanilang pangangailangan at tutulungan mo ako na magampanan ko ang mga naiwan mo sa akin. Lagi kang narito sa puso ko at araw araw kong ipagdarasal ang kapatawaran mo dahil bigla ka nalang nawala ng di nakahingi ng patawad sa panginoon. Maraming salamat anak sa lahat ng kabutihan na nagawa mo sa amin. 

Ang pangarap ko sa aking sarili mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking mga anak at apo. Magkaroon ng sariling bahay at sa San Andres matigil na ang patayan, mawala ang drugs, at maging maayos na ang pamumuhay nila. Magkaroon kami ng presidenteng maglilingkod ng dapat, bigyan ng trabaho ang mga taong walang trabaho ng walang diskriminasyon upang ang bansan ay umunlad. Kailangan nating manalo ang ating kandidatong si Leni.Ano ang pangarap mo para sa iyong sarili, pamilya, San Andres, buong Pilipinas?

Ang pangarap ko sa sarili ay maging ligtas sa lahat ng uri ng kapahamakan. Pangarap na ipagtanggol ang aking sarili sa anumang pang-aapi ng mga tao sa gobyernong aabuso kung ang aking karapatan ay nawawala. 

Sa aking pamilya naman po ay may kaalaman na ipagtanggal ang pamilya, gawan din po kung pamilya ang naabuso ang mga karapatan. 

Sa buong tao at pamilya ng San Andres na nakaranas ngkarahasan at pananaksi at tokhang dapat po ay wakasan na po ito, lalo na yong pagred-tagging ng mga kapulisan. 

Pangarap ng aming community dito sa San Andres ay makalaya at magkaroon ng kapayapaan sa ating bansa. 

Ang tanong ay ganito? Dapat po ay pumili ng kandidat na ihahalal sa Mayo 9, 2022 na siyang mamumuno upang ang lahat ng pangarap namin at matutupad at mapapanghawakan namin. Suma tutal kapit bisig kami na ipinalo si VP Leni na maging President dahil siya lang ang may integridad, siya lang ang may puso para sa mga nasa laylayan, makadiyos, may tauspusong tapa at totoong may puso sa mga naaapi. Salamat sa CenterLaw Lawyer!Kung nandito ang mahal mo sa bahay na namatay ano ang gusto mong parating sa kanya? 

Sana hindi niya naranasan yung nasangkot at napatay ng mga walang awa mga pulis sa ginawa nila sa kanya. Di sana magkakasama pa sila ng mga anak niyo at nakita pa niya yung apo lumako ng maayos na nasubaybay mo mga anak niyo. Maging malaking aralna din sa atin yung nangyari. Huwag basta magtinda sa di natin kilala. Sana makamit natin yung katarungan na dapat maparusahan na yung mga pulis na pumatay sa ito at iba pang napatay. 

Salamat po sa CenterLaw at lahat ng mga tumutulong na makamit namin ang katarungan. Sa patuloy pagsulong ng kaso sa Korte Suprema. Hindi sila nangiwan. On my behalf, thank you very much.Anong pangarap mo para sa iyong: sarili, pamilya, San Andres, buong Pilipinas? 

Sarili - Patuloy na makapag lingkod sa Diyos sa kapwa at sa pamilya ko. Lalo na sa mga biktima ng EJK. At makapag-dasal sa mga namatayan. 

Pamilya - Patuloy akong makatulong sa kanila, at maiakay sila sa mga gawain ng pang-simbahan, gaya ng BEC, etc. Akayin sila sa pag-simba at educate sila lalo na sa tamang kandidato na dapat iboto. Patuloy na maging bukas-palad sa mga taong nangangailangan at magkaroon ng malasakit sa kapwa. Maproteksyunan sila sa maga mapang-abusong pulis. 

San Andres - Mabigyan ng hustisya yung mga namatayan, lalo na yung biktima ng EJK at mabigyan din ng hustisya yung mga inabusing kababaihan o biktima ng karahasan. Mabigyan din ng bayad-pinsala yung mga biktima at kaanak ng biktima. At mabigyan din sila ng serbisyong panlipunan gaya ng DSWD, DOH, etc. 

Buong Pilipinas - Magkaroon ng kapayapaan tungo sa pag-uunlad. Matigil na ang mga karahasan sa pag-patay, pag-aabuso, at mga uri ng violation. At manalo yung kandidato na may pusong tapat, may takot sa Diyos, at may malasakit sa kapwa. At magkaroon ng pagka-pantay-pantay. Walang mayaman, mahirap, lalo na sa karapatang pantao. At higit sa lahat, magkaroon ng pagkakaisa tungo sa kinabukasan.Ano ang pangarap mo sa sarili, pamilya, buong San Andres, at buong Pilipinas?

Ang pangarap ko ay patuloy na makapaglingkod sa kapwa lalo na sa nabiktima ng karahasan. 

Pangarap ko na maproteksyunan ko ang bawat pamilya laban sa mga mapang-abusong pinuno ng ating bansa.

Pangarap ko sa buong San Andres na magkaroon ng hustisya ang mga pamilya na nabiktima ng EJK, at nawa ay magkaisa ang mga taga-San Andres para labanan ang mga karahasan at pang-aabuso. 

Pangarap ko sa ating bansa na magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng ating bansa. Nawa ay magkaroon ng katiwasayang pamumuhay ang bawat Pilipino.Ang pangarap ko para sa sarili ay sana makapag-aral pa ako at makatapos. 

Malaki naman ang pangarap ko para sa aking pamilya ay ang mabigyan ko po sila ng magandang buhay at ng maayos na pamumuhay upang lahat man ng gustohin nila ay aking maibibigay. 

Pangarap ko naman sa aking bansa na sana ay lumago at yumaman pa ang aking bansa ng sa ganon wala ng mahihirap ang magugutom at maiiwan. At sana ay mawala na po ang mga korupsyon sa bansa ng sa ganon ay maging maayos na ang sistema ng ating bansa at mawala na ang lahat ng ilegal sa bansa natin upang mapakinabangan naman natin ang lahat ng kaginhawaan sa ating bansa. 

Ayon lamang po. Salamat po.Ano ang pangarap mo para sa inyong sarili, pamilya, San Andres Bukid, buong Pilipinas? 

Sa pamilya magkaroon ng kinabukasan ang aking mga anak at magkaroon ng pagkakaisa ang bansa at matigil na ang patayan at pagtuturo ng mga mali tao dahil sa asset ng mga kapulisan. At bigyan ng trabaho ang mga walang trabaho para di makaisip ng masama.Kung nandito ang mahal ko sa buhay namatay: Ang gusto ko lang parating sayo anak ay mahal na mahal kita. Wala man akong yung nangyari sayo dahil nasa malayo ako nagtatrabaho dahil sa inyo magkakapatid gumanda ang buhay niyo at matapos kayo sa pag-aaral niyo. Hindi man kita napaglaban dahil na nangibang bansa ako alam mo yan na mahal na mahal kita at ikaw lang ang anak ko na laging na v-call tayo gabi-gabi kahit malayo ako napapasaya mo ako at lagi mo akong naaalala gabi-gabi. Sana kung saon ka man naroon ay masaya ka na ngayon. 

Ang pangarap ko sa aking sarili at sa aking pamilya ay masaya at buong buo para na kung mabuo pa ay wala na ang isang anak ko at mahal sa buhay. Pero nagsikap ako sa kanya para lang mapag-aral at makapagtapos ay bigla nalang kukunin sa akin. 21 years old ka na mawala sa akin sobra bata mo pa anak. Jan. 4 2013 ng mawala ka sa akin. Sana ngayon natupad mo na ang pangarap mo maging basketball player. Pero bigla nalang nanglayo ang iyong pangarap dahil sa ginawa sayo ng walang kalaban-laban dahil sa isang pagkakamali lang at sa isang turo ng asset ng mga pulis. Isang turo lang at kinitil na ang buhay mo. Ganon na lang ba ang buhay ng tao parang ibong nalang na babarilin nila.Anak gusto kong malaman mo na kahit wala ka na ang mga alaala mo ay nananatiling buhay sa amin. Alam ko na masaya ka pa siguro ngayon dahil halos 10 taon na ang nakalipas. Para sa akin, ikaw sana ang inaasahan namin na isa sa makakatulong sa amin ng papa mo, pero sabi nga ang buhay na hiram sa atin ay pwedeng kunin kung kailan man ng Panginoon. Salamat anak sa mga alaalang iniwan mo sa amin. Huwag kang mag-alala mahirap man ang buhay pero kinakaya namin sa tulong na rin ni Lord. 

Pangarap ko sa sarili na magkaroon ng sarili buhay, makaahon sa hirap. Sa pamilya, makatapos ang aking mga anak at magkaroon ng magandang trabaho, makita silang maayos. Sa San Andres, magkaroon ng permanenteng trabaho ang mga tao lalo na yung mga tambay, kasama na rin yung mga nawalan. Sa buong Pilipinas, magkaroon ng maayos at matinong Presidente, matigil na ang mga karahasan at mawala ang mga corrupt at maging maunlad saan mang dako.Kung nandito ang mahal ko sa buha kapatid kong si Niko na namatay na. Gustong iparating sa kanya na mahal pa rin siya ng Diyos. Bakit? Kasi namatay siya sa maayos na paraan. Di niya inabot ang panahon ni Duterte na kung saan walang awang pinapatay ang mga lulong sa bawal na gamot. At ngayon nabubuhay ng maayos ang pamilya niya. 

Naalala ko lagi niyang sinasabi sa akin, “Te, wag kang papanik sa akin baka magkaroon ng raid mahuli ka, bagal mo kasing tumakbo.” Kaya laking pasalamat ko sa Diyos na di siya nabiktima ni Duterte. 

Pangarap ko sa sarili magkaroon pa ng mahabang buhay para sa mga anak ko. 

Pamilya - Lagi lang masaya kahit mahirap ang buhay, magmahalan ang mga anak ko. 

San Andres - Maging totoo at mamulat sa katotohanan na nasa Diyos pa rin ang awa at di mabuhay sa materyal na bagay. 

Pilipinas - Mahango sa matinding kahirapan bigyan ng mga namumuno na totoo sa mga ipinangako sa bayan, mga estanteng may pagpapahalaga sa bayan at sa sarili.Ano ang pangarap mo para sa iyong sarili, pamilya, San Andres, buong Pilipinas

Ang pangarap ko po ay magkaroon ng Presidente na maging mapayapa at hindi magulang pamunuan ng Congreso at mga mayor, mga chairman. Yung nagkakaisa, walang nakawan na mangyari, magkaroon ng maayos na trabaho at yung mga produkto natin ay suportahan ng gobyerno. 

Para sa pamilya, pangarap ko na ang mga apo anak ko ay maging malaya sa mga gusto nilang abutin ng hindi natatakot at magkaroon ng maraming trabaho dito sa Pilipinas ng hindi na magpunta pa sa ibang bansa marami na kasi ang mga pamilyang naghihiwalay dahil sa walang maayos na hanapbuhay dito sa Pilipinas. 

Sa San Andres naman sana mawala na ang mga nagtitinda ng drugs. Para walang addict dito sa San Andres kasi masyadong marami talaga ang gumagamit ng drugs at mawala na rin ang mga pagsusugal kasi yung kakainin nalang ay napupunta pa sa bisyo. Magkaroon nawa ng disiplina ang mga kabataan at yung mga chairman ay magampanan nawa nila ng maayos ang kanilang tungkulin na maging mabuting pastol ng nasasakupan nila. 

Maraming salamat po sa inyo mga taga CenterLaw dahil marami kaming natutunan at naging malakas ang aming loob lumaban dahil alam na namin ang aming karapatan.Ano ang pangarap mo para sa iyong sarili, pamilya, San Andres, buong Pilipinas?

Ang pangarap ko sa akin sarili ay tumira sa isang tahimik na lugar kasama ang aking pamilya.

Sa pamilya naman, magkaroon ng magandang hanapbuhay ang aking mga anak at magkaroon sila ng kani-kanilang pamilya at mapag-aral din nila ang kanila mga anak. 

Sa San Andres naman po ay sana ang mga mamayan ay maging masunurin sa batas ng Dyos at ng batas ng tao para hindi sila madidisgrasya at sana magkaroon ng matitinong hanapbuhay at magkaroon sana ang gobyerno ng maibibigay na kabuhayan. 

Sa buong Pilipinas, magkaroon kami ng mga leader na maganda ang kanilang advocacia sa bansa, magkaroon ng magandang pamamalakad hindi corrupt, may malasakit sa bansa para umunlad ang Pilipinas at makilala ang ating bansa sa magandang mga katangian.

“Dapat matuloy ang ICC na kaso, para magkaroon ng takot ang gagawa ng karumal-dumal na gawain na patayin ang mga tao. Dahil alam nila na mananagot sila sa ICC. At wala na rin magbubuwis ng buhay, lalo na yung mga inosente tao, mga mahihirap.”

A local of San Andres Bukid and a victim of the Drug War

“The ICC probe must push through, so that fear must also be exacted to those with the gall to commit extrajudicial killings. Because they know the ICC will find them accountable. And so no one will risk their lives, especially those who are innocent, and impoverished.”

A local of San Andres Bukid and a victim of the Drug War
PHASE 3

Information Dissemination and Publication

As of this writing, Centerlaw continues to take the initiative in seeking justice and sharing stories from the community members of San Andres Bukid as a glaring example of the ongoing battle to pursue human rights for victims of the Drug War, their families, and their loved ones.

As part of its Information Dissemination and Publication campaign, Centerlaw aims to amplify the stories of the community, sharing these accounts on a larger platform for more audiences to read and take action.

The following are the poems, essays and short creative works of the members of the San Andres Bukid, and the lawyers of CenterLaw reflecting the stories of the community: